Mga bangka sa Sipocot , Camarines Sur nasira ng Habagat

CAMARINES SUR- Malalakas na alon ang humampas at sumira sa mga bangka sa Binahian Sipocot , Camarines Sur dulot ng Habagat.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Agriculture Officer (MAO) Franco Leonardo, sinabi nito na beniberipika pa nila kung ilan ang apektadong bangka, sa iniisyal na ulat aniya ay mahigit lima. Ang mga rehistradong bangka at mangingisda ay makakatanggap ng asistensya mula sa Philippine Crop Insurance Corp subalit kailangan munang maassess ang damage at maproseso ang dokumento.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation
Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Nitong nagdaang araw, hindi na nakapagpalaot ang mga mangingisda sa Calabanga, nailagay din sa ligtas na lugar ang mga bangka sa bayan ng Lagonoy.