Brigada Group, ipinagdiriwang ang ika-19 taon ng makabayaning pagtutulungan ngayong araw

Ngayong araw, ipinagdiriwang ng Brigada Group of Companies ang ika-19 anibersaryo, isang patunay sa dedikasyon at sipag ng bawat miyembro ng kumpanya mula sa isang payak na simula.

Nagsimula ang Brigada sa pangarap at pagtitiyaga ni Brigada founder and CEO Elmer V. Catulpos, mula sa P1,000 lamang na puhunan na inutang pa mula sa kanyang kaibigan.

Mula sa maliit na halagang ito, itinayo ang pundasyon ng isang kumpanya na ngayo’y isa sa pinakamalalaking media at health network sa bansa.

Sa loob ng halos dalawang dekada, ang Brigada Group ay hindi lamang nakapaghatid ng serbisyong pangkalusugan at impormasyon, kundi nakapagbigay din ng mga produkto at serbisyong patuloy na tinatangkilik ng publiko.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Ang Brigada News FM ay isa sa nangungunang radio networks sa Pilipinas, na may milyun-milyong tagapakinig mula Luzon, Visayas, at Mindanao, habang ang Brigada Distributions Inc. ay nagbibigay ng mga dekalidad na health products at serbisyo para sa bawat Pilipino.

Ang tagumpay na ito ay hindi makakamit ng Brigada Group kung wala ang suporta ng mga masugid na tagapakinig, kliyente, at kasamahan na patuloy na nagtitiwala sa mga produkto at serbisyo ng Brigada.

Sa aming ika-19 na taon, nais ng Brigada Group na iparating ang taus-pusong pasasalamat sa bawat isa na naging bahagi ng tagumpay at patuloy na nagbibigay ng inspirasyon upang maglingkod sa bayan.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Patuloy na magsisilbing gabay ang Brigada sa paghahatid ng serbisyong dekalidad, kalusugan, at impormasyon, at sa mga darating pang taon, asahan ang mas maraming proyekto at inisyatiba mula sa Brigada Group upang mas mapalawak ang saklaw ng serbisyo para sa bawat Pilipino.

Muli, maraming salamat mga Ka-Brigada sa inyong patuloy na suporta at sa inyong makabayaning pagtutulungan para sa kapwa at para sa bayan.

In the heart of Changing Lives!