Office of the President, deadma sa mga tirada ni VP Sara

Hindi na papatulan ng Office of the President ang mga tirada ni Vice President Sara Duterte sa naging press briefing nito kaninang umaga.

Nabatid na maaanghang ang mga binitawan ni VP Sara kanina sa sitdown interview laban kay Pangulong Bongbong Marcos at sa pamumuno nito sa bansa.

Kabilang dito ang pagsasalarawan nyang hindi marunong ang Presidente na nakaupo, at nasa “road to hell” ngayon ang Pilipinas.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ibinahagi rin ng Vice President sa kanyang presson na pinagbantaan nito si Senator Imee Marcos sa kanilang group chat na kung hindi anya titigil ang kanilang kampo, ay huhukayin nito ang labi ni Ferdinand Marcos Sr. sa libingan ng mga bayani at itatapon sa West Philippine Sea.

Bumwelta rin ang Bise Presidente sa “deception” na sinabi ng Pangulo, matapos matanong sa interview sa Lao kung ano ang saloobin nito sa sinabi ni Sara na hindi sila magkaibigan.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon kay Presidential Communication Office acting Secretary Cesar Chavez, walang ilalabas na statement ang Palasyo hinggil sa mga naging banat ni Sara.

Maaalalang buwag na ang uniteam tandem ni Pangulong Marcos at VP Sara, matapos mag resign sa gabinete ang Bise Presidente noong Hunyo.