BPO employees, Comelec frontliners, kasama na sa A4 priority list sa vax program

Inilagay na ng gobyerno ang mga empleyado ng business process outsourcing (BPO) sa ilalim ng A4 priority o economic frontliners category ng COVID-19 vaccination program. 

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ito ay batay sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 116 na inadopt ngayong linggo. 

Bukod sa mga manggagawa mula sa BPO sector, ang mga liquefied petroleum gas (LPG) dealers, retailers, at attendants ay nasa ilalim din ng A4.2 priority list. 

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ang A4 sector ay ang mga manggagawa na required na pumasok physically sa trabaho sa gitna ng COVID-19 quarantine restrictions. 

Una nang sinabi ni Roque na babakunahan ang A4 sector ng vaccine doses na binili ng national government dahil ang mga idinonate na bakuna ng global aid facility COVAX ay kailangang gamitin para sa mga health workers, senior citizens, persons with comorbidities at mga mahihirap. 

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Sa 7.7 milyong doses ng COVID-19 vaccine, 4.53 milyong doses ang binili ng national government. 

Sa 4.53 milyong procured doses, apat na milyon ang Chinese brand na Sinovac habang ang nalalabi ay Sputnik V ng Russia.