Tatalakayin umano ng mga alkalde sa Metro Manila ang isyu ng “brand agnostic” vacination policy.
Ito ang sinabi ni Metro Manila Council, MMC chairperson and Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa gitna ng magkakaibang opinyon ng NCR mayos sa polisiya kung saan di iaanunsyo ng local government units ang brand ng bakunang gagamitin sa vaccination centers.
Sa halip ay sa inoculation site na sasabihin kung anong COVID-19 vaccine ang ituturok sa mga recipients.
Ayon kay Olivarez, tiniyak naman ng gobyerno na dumaan ang lahat ng bakuna sa masusing pag-aaral pati sa clinical testing at binigyan din ng emergency use authorization (EUA) kaya naman ligtas ang mga ito at epektibo para maprotektahan ang tao mula sa pandemiya.
Sa Paranaque City, sinabi ni Olivarez na mas maraming mga residente ang pumirma at nagsipunta sa centers para sa gusto nilang brand ng vaccine.
Aniya ito ang iniiwasang mangyari dahil posible itong maging superspreader pa ng virus.
Mababatid na una nang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pwede namang tumanggi ang indibidwal kung ayaw nito ng brand ng bakunang ituturok sa kanya sa site.
