Solon, iminungkahing magbukas ng vaccination centers na makakapag-operate 24/7

Iminungkahi ni Deputy Speaker Michael Romero na magbukas ng mga vaccination centers na makakapag-operate ng 24/7 para mapalakas ang pagbabakuna laban sa COVID-19 pandemic. 

Hinimok ng mambabatas si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ikunsidera ang pag-recruit ng mas maraming vaccinators para patakbuhin ang 24- hour vaccine facilities. 

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ayon sa kongresista, matutugunan nito ang problema ng overcrowding at makakatulong pa sa pagtiyak ng health at safety protocols. 

Isa pa, makakatulong din ang 24/7 vaccination centers para sa proposal na bakunahan ang mga menor de edad na 12 hanggang 15 taong gulang na syang pinakamalaking populasyon sa mga age groups sa Pilipinas.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Naniniwala ang mambabatas na agad na makakamit ng bansa ang herd immunity sa tulong ng 24/7 vaccine centers. 

Mababatid na sa ngayon, umabot na sa 786, 528 ang mga indibidwal na fully vaccinated na laban sa COVID-19.