Boxing Coach Velasco nagpasalamat sa suporta ng mga kababayan sa mga Filipino athlete

Labis ang pasasalamat ni Boxing Coach Nolito Velasco sa suportang ibinibigay ng Pinoy sa mga atletang kasalukuyang nasa Japan at lumalaban sa Tokyo Olympics.

Si Velasco ang coach ni Silver Medalist Nesthy Petecio sa boxing women’s division, kauna-unahang babae na nakakuha ng medalya sa Olympics sa larangan ng boxing.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kasabay nito ay hiling rin ni Velasco ang dasal para naman sa magiging laban naman bukas ng alas dos ng hapon ng isa pang Filipino boxer na si Carlo Paalam para sa gold medal.

Si Coach Velasco ay nasa anim na buwan na rin umanong hindi nakakauwi sa kanyang pamilya sa Bgy. Old, Cabalan, Olongapo mula nang magsimula ang pagsasanay ng mga atleta para sa laban sa Tokyo Olympics.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Matatandaan na ang unang gold medal ay nakuha ni Weightlifter Hidilyn Diaz at mayroon ring bronze medal na nasungkit kahapon ni boxer Eumir Marcial sa men’s middleweight.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Healthy Digestion? 100Capsules CuraMed HERBALCAPSULE Coriander seeds may accelerate and promote healthy digestion AS EMENT PPROVED HEUTIC ERAPEU ICCLAIM Shop now! Lazada'