OFWs at Senior Citizen nabakunahan na sa Camalig Albay

LEGAZPI CITY – Patuloy na isinasagawa ng Local Task Force for Coronavirus (COVID-19) Vaccine Deployment (LTFCVD) ang paglulunsad ng bakuna sa buong munisipyo, pangunahing ang sentro ng pagbabakuna sa Camalig National High School, Brgy. Ilawod, sa bayan ng Camalig, Albay.

Ayon kay Mayor Caloy Baldo, ng LGU Camalig, aabot sa 700ng bakuna ng Sinuvac at Johnson & Johnson ang binakunahan kahapon na mga Senior Citizen, Overseas Filipino Workers (OFW) at iba pang mga priority group.

Sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Regional Advisory No. 2021-0290, inatasan ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang mga nagpapatupad ng mga unit ng bakuna ay eksklusibo lamang ang bakunang Janssen sa mga senior citizen.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nasa 5,390 ang kabuuhang bilang ng senior citizen na dapat bigyan ng bakuna sa nasabing bayan.

Ang pangunahing sentro ng pagbabakuna ay nahahati sa anim (6) na mga seksyon na partikular waiting area, registration area, health education and final consent area, vital signs and health assessment/screening area, vaccination area, and post-vaccination monitoring area kung saan inaasahang tatagal ang proseso ng isang oras bawat bakuna.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng publiko ay mahigpit na ipinapatupad ang minimum health standards protocols ng DOH.

Ang paglulunsad ng bakuna sa Camalig ay inaasahang makakapagbakuna ng 45,000 ng target population upang makamit ang herd immunity at matuldukan ang pagkalat ng local transmission ng COVID-19.

Base sa tala, ang LGU Camalig ay may kabuuang 202 na kumpirmadong COVID-19 na mga kaso kabilang ang 178 na recoveries, 14 ang namatay, at 10 na kasalukuyang aktibo sa naturang sakit.