Botanteng may sintomas ng Covid-19, maaaring makaboto

SORSOGON CITY – Maaari umanong makaboto ang mga botanteng may sintomas ng Covid-19 o may temperature na 37.5 celsius o mas mataas pa.

Ayon sa Comelec, maglalagay ng Isolation Polling Places (IPP) sa mga lugar ng botohan para makaboto pa rin ang mga botanteng makikitaan ng sintomas ng nasabing sakit at nang mahiwalay sila sa kalakhang bulto ng mga botante.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Paalala pa ng Comelec, lahat ng botante ay dapat magsuot ng face mask at palagiang sundin ang health protocols at physical distancing sa loob at labas ng presinto sa araw ng halalan para sa kaligtasan ng lahat.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Una nang iniatas ni Interior Secretary Eduardo Año sa mga LGUs na dapat ay may nakalatag na hakbang para nakapagboto pa rin ang mga botanteng magpapamalas ng sintomas sa mga polling precincts.

Bunsod nito, pina-aktiba ng Kalihim ang mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para agad na makapagresponde sa oras ng medical emergencies.