Umano’y dinukot na kapitan sa Lemery, Batangas, nakalaya na

Nagawang makalaya mula sa apat na mga abductors ang isang barangay kapitan na unang napaulat na dinukot sa Lemery, Batangas, pasado alas-11 kagabi.

Kinilala ng Lemery Municipal Police Station (MPS) ang biktima na si Tirzo Endaya, 49 anyos, isang kapitan ng barangay at residente ng San Isidro itaas, Lemery Batangas.

Ayon sa imbestigayon ng mga awtoridad, alas-onse kinse kagabi, Mayo 4, habang nakaupo ang biktima kasama ang kanyang asawa na si Cherry Endaya sa isang pribadong daan sa Sitio Ibaba, Purok 1, Barangay San Isidro Itaas ng biglang may apat na hindi pa nakikilalang suspek ang puwersahang isinakay ang kanyang mister sa kulay silver gray na SUV.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Matapos mapasakay sa van ay agad na humarurot ang naturang sasakyan habang naiwan naman ang kanyang misis.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, sa panayam ng Brigada News FM sa naturang himpilan ngayong hapon, nakumpirmang nakalaya na ang biktima mula sa kamay ng kanyang mga abductors.

Tuluyan ring naaaresto ang apat na mga suspek na hindi pa pinangalanan ng mga awtoridad.

Hinahanda na rin umano ang kasong isasampa sa mga ito sa bulwagan bukas.

Inaalam na rin ang motibo ng mga suspek sa ginawang pagdukot.