Boracay Rehab, inaasahang matatapos bago June 2022

Inaasahan ng gobyerno na makukumpleto ang rehabilitasyon ng isla ng Boracay bago mag-June 2022.

Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu, head ng Boracay Inter-Agency Task Force, na sapat na ang ibinigay na term extension ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matapos ang lahat ng kanilang trabaho.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Iginiit ni Cimatu na habang papalapit ang eleksyon sa 2022 ay titiyakin nila na kasado na ang lahat ng mekanismo na kinakailangan upang hindi masayang ang lahat ng kanilang pinaghirapan.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Mababatid na noong 2020 pa dapat natapos ang termino ng BIATF base sa Executive Order 53.

Gayunman, pinalawig ito ng Punong Ehekutibo hanggang May 2021.