Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang Duterte Administration dahil napalakas ang imprastraktura sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa inagurasyon ng Cavite – Laguna Expressway (CALAx) Silang East Interchange section noong August 24, sinabi ng senador na makakatulong ng malaki sa paggalaw ng mga Pilipino na nakatira sa Cavite at Laguna pero nagtatrabaho sa National Capital Region (NCR) ang pagbubukas ng CALAx na alternate route na rin papuntang Tagaytay na isa sa popular na tourist destinations.
Aniya, ang flagship Build, Build, Build program ng pamahalaan ay di lamang dahil kailangan ng infrastracture development, kundi resulta na rin ng determinasyon ng kasalukuyang administrasyon na magbigay ng komportableng buhay sa mga Pilipino
Dahil sa nasabing achievement, pinuri rin ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa tagumpay sa pakikipag-ugnayan sa private sector na sinusunod ang tamang proseso alinsunod sa batas habang tinatanggal ang mga hadlang na nagde-delay ng ilang taon sa pagtapos sa infrastracture projects.
Kinilala rin ng senador si Transport Secretary Arthur Tugade at Public Works and Highways Secretary Mark Villar dahil sa walang sawang commitment, desikasyon, at sipag para magbigay ng solusyon sa critical transportation at infrastracture needs ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ang CALAx ay public-ptivate partnership sa pagitan ng gobyerno ay MPCALA Holdings Inc., subsidiary ng Metro Pacific Investments Corporation. Ang proyekto ay 45-kilometer closed-system tolled expressway na nagkokonekta sa Manila – Cavite Expressway (CAVITEx) sa South Luzon Expressway (SLEx).
