Bonding ng magbabarkada nauwi sa trahedya, 1 patay

Nauwi sa trahedya ang sanay masayang bonding ng magbabarkada matapos matumbahan ng poste ang kasama.

Nangyari ang insidente alas-9 ng gabi, Hunyo 06 sa Barangay Eastern Poblacion, Poro, Cebu.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Kinilala ang magbabarkada na sina Michael Angelo Lumayag, John Laurence Mendoza at Danie Bayot.

Batay sa salaysay, itinali nila ang lubid ng duyan sa poste at puno. Sa bigat, natumba ito at tumama kay Daniel.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Nagtamo ito ng sugat at sumuka ng dugo, agad naman silang nakahingi ng tulong.

Pagdating ng Rescue Team, isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arival.