7-anyos sumagip sa kapatid, nalunod

Patay ang 7-anyos na batang babae matapos malunod nang tangkaing iligtas ang kapatid.

Nangyari ang insidente sa Barangay Bago Aplaya, Davao alas-12 ng tanghali, Hunyo 6.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Ayon sa impormasyon, nakita ng biktima ang kapatid na nalulunod kaya sinubukang iligtas.

Nang makuha ang kapatid, bigla itong hinampas ng malakas na alon kaya natangay.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Nagtulungan ang mga taga-barangay at BDRRMC matapos ito matagpuan sa ilalim na bahagi ng lugar.

Dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital subalit idineklarang dead on arrival.