Barangay sa Davao del Sur kinaltasan ang natanggap na ayuda ng isang benepisyaryo, viral

Emosyonal na ibinahagi ni Anne Villarin na taga-Brgy. Sinawilan, Matanao, Davao del Sur ang ginawang pagkaltas ng barangay sa natanggap nitong ayuda.

Binawasan kasi ang kanyang P10,000 at P1,500 nalang ang ibinalik. Ganun din ang ginawa sa ibang benepisyaryo.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Galing ang ayuda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga apektado ng El Niño phenomenon.

Kinumpirma na planong pag-isahin ng barangay ang mga ayuda para sa mga Functionaries.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ayon naman sa DSWD, bawal bawasan ang ipinamahaging ayuda at hindi dapat makialam ang sino mang opisyal.

Humingi na ng paumanhin ang Kapitan at ibabalik ng buong P10,000.