Umapela na si Bohol Governor Arthur Yap sa gobyerno na magpadala ng karagdagang mga pulis para matiyak ang siguridad sa kanilang lugar.
Ito ay matapos maiulat ang mga looting incidents sa kanyang nasasakupan.

Aminado si Yap na nagkakaroon ng kakulangan ng pagkain at tubig sa kanilang lugar ilang araw matapos hagupitin ng bagyong Odette.
Inihayag ng gobernador na ubos na ang pondo ng kanilang probinsiya at kailangan ng mabilis na pagtugon ng pamahalaan para sa suplay ng pagkain at tubig sa mga biktima ng kalamidad.
Sinabi naman ni Yap na kung hindi maibibigay ng mabilis ang kinakailangan suplay ng pagkain, dapat magpadala ng augmentation sa law enforcement upang masiguro ang kaayusan sa lugar.
Nilinaw naman ni Yap na sa ngayon kontrolado pa ang sitwasyon subalit dapat maagapan ang posibleng paglala nito.