3.3-M doses ng COVID-19 vaccines donasyon ng US at France dumating sa bansa

Natanggap ng Pilipinas ngayong araw ang nasa 3.3 million COVID-19 vaccines na donasyon mula sa United States at France.

Sa naturang bilang 1.62 million doses ang Pfizer habang nasa 1.69- million doses naman ang Astrazeneca na idinaan sa pamamagitan ng COVAX facility.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ibiniyahe ang mga bakuna lulan ng Emirates flight EK334 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 bandang alas saiz ng umaga.

Noong Lunes unang dumating ang nasa 1.7 million doses ng bakuna na donasyon din ng America.

Read More:  Sen. Imee Marcos questions Ombudsman’s failure to suspend NBI Director Matibag

Dahil dito umabot na sa mahigit 187-million doses na nang COVID-19 vaccines ang naideliver na sa bansa simula noong February 2021.