Blue alert status, itataas ng NDRRMC bukas bilang paghahanda sa Nazareno 2024

Itataas sa blue alert status ang National Disaster Risk Reduction Managament Council o NDRRMC simula bukas bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaan sa Nazareno 2024.

Ayon sa NDRRMC, itataas nila ang alert status ng NDRRM Operations Center upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto sa Traslacion.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nakatakda rin i-activate ang incident management team na pamumunuan ng Manila City DRRM Office upang subaybayan ang sitwasyon at pamahalaan ang mga insidenteng maaaring maganap sa prusisyon.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang OCD -NCR sa Manila DRRM Office kaugnay sa naturang paghahanda sa Nazareno 2024.