NAIA, nakapagtala ng record-high number ng flights

Nagtapos ang taong 2023 nang may mataas na bilang ng flights ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa isang pahayag, sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nakapagtala ng all-time high number of flights, o 279,953 flights noong nakaraang taon.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Kabilang dito ang 171, 605 domestic, at 108,348 international flights.

Ang kabuoang bilang ng mga flights ay 3% na mas mataas sa 271, 535 noong 2019 kung saan wala pang pandemic.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa huli, sinabi ni MIAA General Manager Eric Jose Ines na ang matibay na domestic rebound ay hindi lamang patunay ng katatagan ng local aviation industry, kung ‘di ipinakikita rin nito ang suporta sa mga travelers sa pagbuhay sa domestic tourism sector ng bansa.