Blackpink, umapela ng kolektibong aksyon sa laban kontra climate change sa UN COP26

Umapela ang K-pop group na Blackpink ng kolektibong aksyon laban sa mga banta sa kalikasan sa 26th United Nations Climate Change Conference (COP26) na idinaos sa Glasgow, Scotland.

Sa isang video message, ay sinabi ng grupo na sinikap nila na matutunan ang mas maraming bagay na may kinalaman sa climate change, dahil isa ito sa mga importanteng isyu sa panahon ngayon.

Iginiit ni Jennie sa wikang Ingles, “We are firm that we should act now urgently to prevent much, much worse,”

Dagdag ni Jennie, “Almost all warm water coral reefs would be destroyed, and sea ice would melt and devastate wildlife,”

Nakiusap naman ang apat na miyembro ng Black Pink sa mga world leaders na present sa event na gumawa ng mga tamang desisyon upang mapanatiling ligtas ang planeta.

Nitong taon lamang ay naitalaga ang Blackpink bilang COP26 advocates, habang noong Setyembre ay kinilala sila bilang UN Sustanable Development Goals advocates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *