Inaasahan na lalo pang lalakas ang reigning All-Filipino champions na TNT Tropang Giga sa pagbabalik aksyon ng PBA sa susunod na buwan.
Ito ay dahil sa pagtanggap muli ng TNT kay McKenzie Moore matapos pabalikin ng PBA ang mga imports sa liga.
Base sa ulat mula sa PBA website ay na-clear na si Moore ng mga ahensya ng gobyerno, kabilang na ang Department of Foreign Affairs at Inter-Agency Task Force, upang makapasok ito sa bansa.
Dati nang naglaro ang 6-foot-6 American para sa Tropang GIGA nang lumahok ito sa 2019 East Asia Super League sa Macau, kung saan ay nakasama nito si KJ McDaniels.
Naglaro rin si Moore para sa Mighty Sports sa 2019 Jones Cup.
