NAGA CITY- Kapansin-pansin ang malalakas na kulog at kidlat sa Camarines Sur nitong mga nagdaang araw, mapanganib lalo pa sa mga nasa open field.
Isa ang tinamaan umano ng kidlat sa bayan ng Ocampo subalit walang opisyal na ulat na nakarating sa PNP. Tinamaan din ang dalawang kalabaw sa Calabanga, Camarines Sur na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa meteorologist na si Mr. Mike Padua , sinabing iwasan ang paggamit ng gadget na makakapag attract ng lightning lalo na kapag nasa open area, mga farm lands o mga sakahan at taniman. Huwag ding tumabi sa mga matataas na puno at poste. Iwasan din ang basang lugar pati mga good conductor ng kuryente.
Sinabi pa ni Padua na hindi niya maiiugnay ang pagkakaroon ng Tuko o pagmagnet nito sa kidlat, taliwas sa paniniwala ng iba.
Noong 2019, walo ang tinamaan ng kidlat sa boundary ng Naga at Canaman Camarines Sur, isa ang namatay.