Bishop Alarcon hinimok ang mga kabataan na huwag mawawalan ng pag- asa sa gitna ng napakaraming pagsubok sa buhay

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang mga kabataan na huwag mawawalan ng pag- asa sa gitna ng napakaraming pagsubok na pinagdadaanan sa buhay.

Sa kaniyang Easter Sunday Homily, sinabi ni Alarcon, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth na nakakalungkot na sa panahon ngayon ay tila nagiging pabigat na ang mabuhay lalo na sa hanay ng mga kabataan.

Marami umano ngayon ang mga kabataan na nawawalan ng pag asa at ang iba pa ay naiisipang magpakamatay.

“It is sa sad phenomenon in our time especially among young people that life seems to become a burden, there are those who loose hope, who fall into despair, those who find life burdensome, nabibigatan sa buhay, nawawalan ng pag asa,” ani Alarcon.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ginamit ng Obispo ang mga salita ni Pope Francis para sa mga kabataan na nagsasabing si Jesus ay buhay at siya ang ating pag- asa.

Hindi umano kailanman iniwan ng Diyos lalo na ang mga nagdurusa at makasalanan.

Ayon pa sa Obispo, hindi lang umano mga kabataan ang nakakaranas ng maraming alalahanin sa buhay kundi maging ang mga nakakatanda.

Patuloy aniyang nararanasan sa ngayon ng marami ang takot, pagdududa at kalituhan sa gitna ng mga hamon ng buhay.

Ilan sa mga binanggit ng Obispo ay ang kamakailan lang na napaulat na maraming namatay sa nangyaring Landslide sa Leyte na dulot ng bagyong Agaton.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Marami aniya ang nagluluksa habang ang iba naman ay patuloy pang hinahanap ang kanilang mahal sa buhay na nawawala.

Maging ang paparating na halalan umano ay nagdadala ng takot at pagkablisa, pagtaas ng presyo ng mga bilihin na dulot ng walang habas na pagtaas din ng mga produktong petrolyo at maging ang problema sa pamilya at relasyon.

Pero ipinapaalala umano ng pagdiriwang ng Muling pagkabuhay ni Jesus na ang Diyos ay palaging nasa atin at naghihintay sa bawat isa na magbalik loob upang magsimula uli.

Ipinapaalala rin umano ng pagbabasbas g apoy at pagsisindin ng Cirio Paskuwal noong Easter Vigil ang pagtawid mula sa dilim patungo sa liwanag.