PNP-Masbate pinabulaanan ang post sa social media na ‘crowd estimate’ ng Leni Kiko rally

SORSOGON CITY – Mariing sinabi ng pamunuan ng Masbate Police Provincial Office na hindi sa kanila nanggaling ang post ng crowd estimate ng Leni-Kiko People’s Rally na kumalat sa social media.

Ayon kay Masbate Police Director, PCol Rolly Albaña; wala umano silang inilabas na opisyal na pahayag o numero o estimate ng mga dumalo sa Leni-Kiko rally noong Abril 13.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Umiiwas umano sila na maglabas ng crowd estimates dahil sumusunod sila sa direktiba ng pamunuan ng PNP na manatiling apolitical o non-partisan.

Ayon pa sa opisyal, ang kanila umanong mandato ay para sa deployment ng mga tauhan ng pulisya sa nasabing kaganapan para lamang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Una rito, kumalat ang post sa social media na ang crowd estimate na 40K sa Leni-Kiko rally ay galing daw umano sa tantiya ng Masbate PPO.