CAMARINES NORTE- Hinimok ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga taxpayer sa Camarines Norte na gamitin ang kanilang Online Registration and Update System (ORUS) para sa mas convenient na pagproseso ng registration.
Ang ORUS ay isang web- based system para mas maging maginhawa ang pag proseso ng registration sa ahensiya.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Revenue District Officer Felix Roy ipinaliwanag nito na friendly user ang ORUS na para lang umanong nagbubukas ng facebook o Youtube.
Para makapag register lalo na ang mga may bagong negosyo ay pwedeng buksan ang E- services ng BIR at hanapin ang ORUS.
“Actually kahit hindi ka newly business registered, update lang halimbawa nagpalit ka ng address mo pwede mong buksan yung ORUS kasi nakalagay naman online registration and update system so halimbawa single ka nag married ka, indibidwal ka pwede mong i- update mo doon,” ani Roy
Para magamit ang ORUS facility ay kinakailangang mag- enroll muna ang taxpayer o mag- create ng account sa system gamit ang official/valid e- mail address.
Ang naturang web- based system ay inilunsad nito lang Disyembre 2022.
Sa hiwalay namang advisory inihayag ng BIR na epektibo noong Enero 1, ay hindi na available ang BIR Mobile TIN Verifier Application (TIN Ver App) na nada- download sa Apple App Store at Google Play Store.
Ang TIN inquiry ay available na sa pamamagitan ng Chatbot- Revie at ORUS na maaaring ma- access sa pamamagitan ng BIR website na www.bir.gov.ph
Samantala kaisa rin umano ng mga LGU ang BIR sa pagsasagawa ng Business One Stop Shop o Boss sa iba’t- iang bayan.
“Gusto naming iparating sa mga taxpayers na yung renewal ng business permit nila ay nagaganap naman ito every January, usually yung binabayaran naman nila dito ay yung registration fee.”
