10 rabies cases naitala sa Camarines Sur nitong 2022

NAGA CITY- Sampung mga kaso ng rabies ang naitala sa Camarines Sur, pinakamataas ito sa rehiyon ayon sa Department of Health.  Nasundan ito ng Albay at Sorsogon.

Sa record ng DOH- CamSur ang mga bayang nakapagtala ay Goa, Tigaon, Balatan, Pili , Sagñay, Lagonoy , Buhi at Pasacao. Tig dalawang kaso ang Goa at Pasacao.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa hiwalay na record mayroong isa sa Naga City.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Goa Municipal Health Officer Dr. Dado Fuentebella, sinabi nitong plano nilang magkaroon ng animal bite center ngayong 2023. Gayundin ang muling pag activate sa panghuhuli ng mga galang aso.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Natigil kasi aniya ang hakbang dahil sa issue ng animal cruelty pero binigyan diin niyang wala dapat magbuwis ng buhay dahil sa rabies.