Binatilyo, pinatay ang kanyang pamilya matapos umanong pagbawalang gumamit ng cellphone

BABALA SENSITIBONG BALITA

Kalunoslunos ang sinapit ng isang  pamilya sa Sao Paulo Brazil matapos na pagbabarilin ng 16-anyos na lalaki ang kaniyang kapatid, tatay, at nanay na umampon sa kaniya.

Nag-ugat umano ang krimen matapos na itago ng kanyang adoptive parents ang cellphone ng suspek.

Ayon kay Chief investigation Roberto Afonso, ikinumpisal ng bata na kinuha niya ang baril ng kaniyang ama na isang pulis at binaril niya ito sa likod.

Kasunod nito ay binaril niya ang kanyang kapatid na babae sa mukha.

Nang mangyari ang pamamaril wala roon ang kaniyang ina pero nang makauwi ito sa kanilang tahahan ay agad niya rin itong pinatay. Pero dahil sa galit umano ng suspek ay pinagsasaksak pa niya ito kahit wala ng buhay.

Sinabi ng mga otoridad na ilang araw nanatili ang suspek kasama ang bangkay ng kanyang pamilya bago inireport sa mga pulis.

Kasalukuyang nasa juvenile detension center ang bata habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon.

Aalamin muna ng mga otoridad kung may iba pang sangkot sa krimen, o kung may nakausap ang binatilyo bago mangyari ang pagpatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *