Binatilyo, arestado sa isang drug buy-bust operation sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang binatilyo sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Tagas, Daraga, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Boyet”, 18 anyos at residente ng Purok 5-A, Brgy. San Roque, ng nasabing bayan.

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Ayon sa report, ikinasa ang operasyon sa nasabing lugar ng pinagsanib na pwersa ng Daraga MPS sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na may timbang na tinatayang 2.8 gramo at nagkakahalagang PHP14,960.

Read More:  2 men killed, 2 women injured in Cotabato City ambush

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.