Bautista sa mga kaso: ‘politically influenced!’

Nanindigan si dating Commission on Elections (COMELEC) chairperson Andy Bautista na handa siyang linisin ang kaniyang pangalan.

Ito’y makaraang kasuhan na siya sa Amerika, kabilang ang ilang opisyal ng Smartmatic, dahil sa isyu ng bribery, at ‘di umano’y money laundering.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Ayon kay Bautista – kahit kailan ay wala siyang ginawang krimen sa laban sa Gobyerno ng Amerika at sa mga tao rito.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Naniniwala rin ang dating poll body chief na ‘politically influenced’ ang naturang kaso ng mga opisyal dito sa Pilipinas.

Sa hiwalay na pahayag, nilinaw ng Smartmatic na ang ilang opisyal na kinasuhan ng US Feds ay naka-leave-of-absence na.
#