VCO trials, nagpakita ng malaking pagbaba sa bilang ng mild COVID cases – DOST

Nagpakita ng pagbaba sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga pasyenteng nag-enrol sa pag-aaral ang community trials ng virgin coconut oil (VCO) bilang adjunct treatment para sa mild COVID-19 cases.

Ayon kay Department of Science and Technology Undersecretary (DOST) Rowena Guevarra, na ang trials sa pasilidad sa Sta. Rosa, Laguna ay nagpakita na ang VCO ay nagpababa ng 60 hanggang 90 percent ng virus count sa mild-cases.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Giit ni Guevarra, ito ay consistent mula sa ginawang community trials.

Samantala, ang resulta naman sa clinical trial na ginawa ng Philippine General Hospital (PGH) sa mild at severe cases ay ina-analyze pa, at sa katapusan ng Oktubre o Nobyembre ay maibabahagi na ito sa publiko.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ibunyag rin ni Guevarra na ang initial findings sa trials ng Lagundi at Tawa-Tawa at posibleng adjunct treatment para sa COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD