Bilang ng tinamaan ng Leptospirosis sa NCR, dumoble pa sa naitalang kaso noong 2023

Umakyat na sa 2,734 ang bilang ng tinamaan ng sakit na leptospirosis sa Metro Manila ngayong taon.

Halos doble ito sa 1,432 na kasong naitala sa kaparehong panahon noong 2023.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa datos ng DOH Metro Manila Center for Health Development, nasa 260 na ang namatay dahil sa sakit na leptospirosis.

Naitala naman ang pinakamaraming kaso sa Quezon City habang ang Malabon City ang may highest attack rate.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Pinakamarami na naapektuhan ng sakit ay may edad na 55 hanggang 59 years old at karamihan sa mga ito ay lalaki.