CAMARINES NORTE- Pumalo na sa 919 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Daet
Sa ipinalabas na report ng Daet Emergency Operations Center, 190 ang aktibong kaso kung saan 113 ang nagpositibo sa RT-PCR habang 85 ang nagpositibo sa Rapid antigen Test
Nasa 756 naman ang bilang ng mga nakarekober na sa sakit habang 50 ang mga nawalan ng buhay dahil sa COVID-19
Nasa 258 naman ang under monitoring ng EOC.
Sa summary per COVID-19 cases sa mga barangay nangunguna pa rin sa may pinakamaraming aktibong kaso ang Brgy ng Camambugan na may 19, sinundan ito ng Alawihao na may 12 at Magang na may 10
Tanging ang Brgy IV, V, Bibirao ang walang aktibong kaso ng COVID-19 as of October 01, 2021
Sa buong Camarines Norte nangunguna pa rin ang bayan ng Daet sa may pinakamaraming naitatalang kaso ng COVID-19 kaugnay nito patuloy namang nagpapaalala ang LGU Daet sa pamamagitan ni Emergency Operations Center Planning Section Head Santiago Mella Jr sa publiko na sundin ang mga umiiral na health protocols upang makaiwas sa sakit.


