Lumampas na sa 700,000 ang bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19, base sa tally ng Reuters.
Sa analysis ng Reuters sa public health data ng US ay lumabas na nakapag-ulat ang bansa ng average na mahigit 2,000 na nasasawi kada araw sa nakalipas na linggo.

Nirerepresenta nito ang 60% ng peak ng fatalities noong January.
Sa ngayon, ang Estados Unidos pa rin ang nangunguna sa buong mundo pagdating sa bilang ng COVID-19 cases at deaths kung saan ay 19% ng infections at 14% ng global deaths ay naitala sa naturang bansa.
Mababatid na lampas na sa 5-milyon ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19.