Bilang ng missile tests ng China, mas dumami

Dinagdagan ng China ang bilang ng ginagawa nitong tests para sa mga makabagong air-to-air missiles nito.

Dati kasi ay karaniwang nasa walong tests lamang ang ginagawa ng China para sa missilies, ngunit ngayon ay umakyat ito sa 15 upang lalong mapatunayan ang reliability nito.

Gayunman, pwede pang umabot sa tinatayang 20 beses ang mga isinasagawang tests sa mga pagkakataon na sinusubukan ng China ang resilience ng missiles kabilang na lamang ang tibay nito laban sa electromagnetic pulse attacks.

Mababatid na nitong mga nakaraang taon ay  tinaasan ng China ang bilang at lawak ng military exercises nito gamit ang live at cutting-edge na mga armas.

Ipinunto ng China Airborne Missile Academy sa Louyang sa domestic journal na Aero Weaponry noong Agosto, na naoserbahan ng mga ito ang ilang problema sa mga makabagong armas tulad na lamang ng “unsatisfactory equipment delivery” at “unstable quality”.

Iginiit rin ng grupo na nais ng mga nakakataas na opisyal na maisaayos ang mga nasabing problema bago ang mass production.