Jennylyn, engaged na kay Dennis Trillo

Ibinunyag ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na engaged na silang dalawa.

Ibinida sa vlog ni Mercado, na una sa serye nito na kanilang tinawag na “After All,” ang ginawang wedding proposal ni Dennis.

Read More:  Julie Vega’s brother debunks supernatural stories surrounding actress’s death

Ayon sa vlog, nag-propose si Dennis noong October 8.

Sa ngayon ay wala pang announcement ng wedding date ang dalawa.

Halos walong taon nang nagsasama sina Mercado, 34-anyos, at Trillo na 40-anyos, bilang magkasintahan.

Read More:  Ronnie Liang reveals ambition to become next Philippine president

Pareho silang may kaniya-kaniyang anak mula sa mga dating karelasyon kabilang na si Alex Jazz na anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia at Calix na anak naman ni Trillo sa dating aktres na si Carlene Aguilar.