Bilang ng mga tinamaan ng Pertussis sa Bicol Region, sumampa na sa 60 matapos madagdagan ng 6 na mga bagong kaso

BNFM Bicol—SUMAMPA na sa 60 ang kabuoang kaso ng Pertussis sa Bicol Region matapos maitala ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health o DOH Bicol katuwang ang Philippine Integrated Disease Surveillance and Response Database ang 6 na bagong mga nahawaan ng sakit.

Ito ay ang pinagsamang Clinical at Laboratory confirmed cases simula Enero 1 hanggang Mayo 18 ng kasalukuyang taon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Dahil dito ang Albay ay mayroon nang 24, Camarines Sur na may 19, Sorsogon na may 13 at dalawa naman sa Masbate na kung saan nanatili namang Pertussis-free ang Camarines Norte at Catanduanes.

Ang Pertussis o whooping cough, ay isang malubhang nakakahawang impeksyon sa respiratory na dulot ng bacteria na Bordetella Pertussis nakaraniwang nakakaapekto sa mga bata, partikular na sa mga sanggol at batang wala pang kumpletong bakuna na kumakalat naman sa pamamagitan ng droplet transmission.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kaugnay nito patuloy ang pagsasagawa ng DOH Bicol ng mga aksyon kagaya ng contract tracing sa mga direktang nakasalamuha ng mga nagpositibo para sa agarang medikasyon. ### KENNETH BERMIL