Bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Basud pumalo na sa 114

CAMARINES NORTE -Pumalo na sa 114 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte matapos na makapagtala ng dalawang panibagong kaso kahapon.

Sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, kabilang sa dalawang bagong nagpositibo sa sakit ay ang Factory Worker na mayroong travel history sa San Pedro, Laguna.

Siya si Bicol No 23899, isang 41 anyos na babae na taga Barangay Lidong na pinakaunang naitalang kaso ng COVID- 19 sa nabanggit na barangay.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ang pasyente ay unang nakaranas ng sintomas noong August 16 at kasalukuyang nagpapagaling sa Basud Temporary Treatment and Monitoring Facility.

Ang isa pa sa nagpositibo sa sakit ay isang 52 anyos na lalaki na may local code na Bicol No 23908, heavy equipment operator mula naman sa Barangay San Felipe.

Unang nakaranas ng sintomas ang pasyente noong August 13 at kasalukuyang nagpapagaling sa isang pribadong ospital sa lalawigan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ngayong Agosto ay nakapagtala ng limang bagong kaso sa bayan ng Basud na mas mababa kumpara sa 28 noong Hulyo at 26 noong Hunyo.

Mula Enero nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng sakit noong Mayo na mayroong 29.

Sa ngayon ay lima na lamang ang aktibong kaso sa kabuuang bilang na 114.

Nasa isangdaan naman ang gumaling na sa sakit at siyam ang nasawi.