Patuloy na binabantayan sa ngayon ang dalawang mga low pressure areas na nasa loob ng bansa.
Ang isang LPA ay huling namataan sa layong 226 kilometro, kanluran ng Calapan City sa Oriental Mindoro.
Makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas, at sa MIMAROPA dahil sa LPA.
Dala-dala nito ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Northern Palawan at Occidental Mindoro na Posibleng maging dahilan ng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan.
May isa pang LPA na na nabuo sa layong 840 kilometro silangan ng Eastern Visayas.
Sa ngayon, sa panayam ng Brigada NewsFM Manila sa PAGASA ay kanilang sinabi na mababa pa ang tiyansa na mag-develop bilang mga bagyo ang dalawang LPAs.
Sa kabila nito, kung matuloy man na tropical depression ang dal’wa – sila’y tatawaging Bagyong #ButhchoyPH at Bagyong #CarinaPH.
Dahil naman sa Southwest Monsoon o Hanging Habagat ay magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat Mindanao at sa natitirang bahagi ng Visayas.
Bahagyang magiging maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan pagkulog at pagkidlat naman ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Luzon, dahil sa Localized Thunderstorms, na maaring madulot ng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding bagyo.