Pumalo na sa 151 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Kristine at Leon.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 21-katao pa ang nawawala, habang 134 ang sugatan.
Naitala rin na higit 8.8M na mga indibidwal o higit 2.2M na pamilya ang apektado ng sama ng panahon mula sa 17 rehiyon.
Karamihan sa mga ito ay naggaling sa Bicol, Calabarzon, at Central Luzon.
Sa kasalukuyan, halos 200,000 na mga indibidwal ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers, habang higit 500,000 naman ang nanunuluyan sa pansamantalang tirahan.