Mga magsasaka – pinayuhang anihin na ang mga pananim bago ang pagtama ng Bagyong Marce

Patuloy na binabantayan ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng epekto ng Bagyong Marce sa sektor ng agrikultura na posibleng makaapekto sa higit isang milyong ektarya ng mga pananim.

Ayon sa DA, 15.7% ng mga taniman ng palay ay nasa seedling at vegetative stage habang 48.6% ang nasa maturity stage kung saan mayroon ding 75,407 ektaryang taniman ng mais ang nasa reproductive at maturity stage.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Inabisuhan naman ng DA ang mga magsasaka na anihin ang kanilang mga pananim bago pa man tumama ang bagyo.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Pinayuhan din ang mga mangingisda na huwag pumalaot kung may panganib.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang DA sa mga apektadong rehiyon para sa mga hakbang na kailangang gawin.