3 PNP-ACG, sinibak sa paggalaw umano sa CCTV sa Malate POGO raid

Sibak sa pwesto ang tatlong tauhan ng PNP-Anti Cybhercrime Group matapos umanong galawin ang CCTV camera sa ni-raid na scam hub sa Century Peak Tower sa Adriatico St., Malate, Maynila.

Sa natanggap na report ng ACG, habang isinasagawa ang operasyon, may mga pulis na nakitang naglalakad sa hallway na walang suot na pang-itaas at nakapatay ang CCTV camera.

Agad na ipinag-utos ni ACG Director MGEN Ronnie Francis Cariaga ang pagsibak sa mga pulis na sangkot at ang pagsasagawa ng administrative investigation.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Batay sa paunang imbestigasyon, noong Oktober 31, sadyang pinatay ang elevator at air conditioning ng gusali dahilan upang maglakad ang mga pulis sa hallway ng gusali na walang suot na pang-itaas dahil sa init.

Dahil sa kanilang hindi kaaya-ayang itsura kapag nakita sa CCTV, tinakpan umano nila ang mga camera sa hallway, subalit nanatiling bukas ang mga camera sa mga workstations kung saan naroon ang mga kagamitan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Inihayag naman ni Cariaga na bagamat concern sila sa kundisyon ng kanilang mga tauhan, hindi nila kukunsintihin ang mga ito kung nagkaroon talaga ng pagkakamali

Sa ngayon, sasailalim ang tatlong pulis sa sa administrative proceedings habang nasa Personnel Holding and Accounting Section ng ACG.