Pumalo na sa mahigit 4.38-million ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo mula nang magkaroon ng outbreak sa China noong December, 2019.
Base ito sa tally ng iba’t-ibang gobyerno na inipon ng international news organizations.
Sa tala ng AFP ay pumalo na sa mahigit 208.5-million ang bilang ng mga nairehistrong kaso sa buong mundo.

Noong Martes lamang ay naitala sa buong mundo ang 10,906 na bagong fatalities, habang umabot naman sa 652,857 ang bilang ng mga bagong kaso.
Makikita rin sa datos na naitala ang pinakamaraming namatay sa Indonesia na umabot sa 1,128, habang sumunod naman ang Brazil na may 1,106 at US na may 998.
Samantala, ang Amerika pa rin ang pinakaapektadong bansa ng pandemya matapos nitong magtala ng 623,322 na nasawi mula sa mahigit 37-million na kaso.