VP Robredo umaasang mananatili ang mga legasiya ni dating DILG Sec. Robredo sa porma ng pamamahala

NAGA CITY- Muling sinariwa ng mga Nagueño ang mga katangian ng isang huwarang lider na mayroon si dating Naga City Mayor at Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse M. Robredo.

Ang dating opisyal ay nasawi sa pagbagsak ng eroplano sa karagatang sakop ng Masbate Province noong 2012.

Sa ika-9 na taong anibersaryo ng pagkamatay nito kahapon Agosto 18, ginawa ang ilan sa mga palaging nakikita sa kaniya ng mga Nagueño tulad ng “Pedal para ki Jesse” dahil kilala ang dating opisyal sa pagbibisikleta.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Gayundin ang Tsinelas Walk dahil anuman ang maging posisyon nito nag-iikot pa ring naka tsinelas lamang.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Hindi personal na dumalo ang maybahay na si Vice President Leni Robredo, sa ipinadala nitong video message sinabing  isa sa maireregalo niya sa gumaong asawa ay ang pagtitiyak na mapapanatili ang legasiya sa pamamahala—pamamahalang kinikilala hindi lamang ng Naga kundi maging ng ibang LGU.

Dagdag ni Robredo umaasa siyang naisasabuhay pa rin ang pagiging “matino at mahusay”.