Bilang ng mga namatay sa COVID- 19 sa Camarines Norte pumalo na sa 57- PHO

CAMARINES NORTE- Umakyat na sa 57 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID- 19  sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay ito sa datos ng Provincial Health Office (PHO) na mas mataas sa iniulat ng Department of Health (DOH) kahapon na 51.

Iniulat din ng DOH kahapon ang karagdagang 16 na bilang ng pagkasawi.

Walang opisyal na pahayag ang PHO hinggil sa pagkakaiba ng datos sa DOH pero ayon kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, dati pa umano ang mga naiulat na nasawi at late reporting lang.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Umakyat naman sa 1, 184 na ang kabuuang kaso ng sakit sa lalawigan matapos na madagdagan ito ng siyam na bagong kaso kahapon.

Nasa 17 ang mga bagong gumaling kaya’t 792  na ang total recoveries sa tala ng DOH.

Iba naman ang datos ng PHO na mayroon nang 796 na kabuuang gumaling.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Magkaiba rin ang datos ng dalawang ahensiya sa aktibong kaso, 322 sa PHO habang sa DOH ay 341.

Pero anupaman ang pagkakaiba sa mga datos, iisa pa rin ang paalala ng parehong ahensiya, ang pagsunod sa health protocols upang makaiwas sa COVID- 19.