Bilang ng mga namatay sa Batangas dahil sa Bagyong Kristine, umabot na sa 14

Umabot na sa 14 ang bilang ng mga namatay sa probinsiya ng Batangas dahil sa hagupit ng bagyong Kristine.

Pero hanggang sa ngayon ay patuloy parin itong kinukimpirma ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Habang 3 indibidwal naman ang napaulat na nawawala sa lungsod ng Lipa, isa sa Alitagtag, 2 sa Calatagan, at lima sa Cuenca na patuloy pa ring vineverify ng nabanggit na ahensiya.

Samantala, mayroon ding 3 indibidwal ang naitalang nasugatan dahil sa bagyo, sa lungsod ng Lipa.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Sa ngayon, umakyat na sa 17,720 na mga indibidwal ang nananatili ngayon sa mahigit dalawang daang evacuation center sa probinsiya ng Batangas, habang nasa 1400 na pamilya naman ang nananatili ngayon sa kani-kanilang mga kamag-anak