Bilang ng mga nakasalamuha ng 10th mpox case – umabot sa 60; Close contacts, pinag-quarantine na

Nagpapatuloy ang contact tracing sa lahat ng naging closed contact ng naitalang bagong kaso ng monkeypox kamakailan.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, binabantayan nila ang nasa 60-katao na posibleng source of infection.

Samantala, binigyang-diin ni Herbosa na mild lang ang mpox, at inaasahang makare-recover din ang mga tao rito.

Read More:  Marcoleta urges caution in blaming GoreBox for school shooting

Lahat aniya ng naitalang kaso nito noong 2022 at noong nakaraang taon ay naka-recover na, at wala pang naitatalang namatay sa mpox.

Samantala, sa hiwalay na pulong balitaan, sinabi ng Quezon City Health Department na nagpunta sa dalawang establishments sa kanilang lungsod ang naturang pasiyente.

Read More:  Duterte defense opposes ICC request to inspect seized items

Kabilang na rito ang isang derma clinic, at isang spa, na paso na ang permit, sa E. Rodriguez.

Sabi ni QC Epidemiology and Surveillance Unit chief Dr. Rolly Cruz, 28 mula sa 31 close contacts ng pasiyente sa Lungsod ang nag-quarantine na.