Ibinahagi sa naging Kapihan sa Senado ni Senadora Risa Hontiveros na nailapit na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) ang isyu hinggil sa kaso ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Kung saan, maliban kay Guo ay kasama na sa inilapit dito ang mga kapatid niyang sina Sheila at Wesley Guo maging ang authorized representative ng Lucky South 99 na si Cassandra Ong.
Ayon kay Hontiveros, sa pamamagitan nito, ay maaring maiisuehan ng blue or red notice si Guo at ang kanyang mga kapatid.
Buti pa nga raw ang Malaysia na may record sila ng pagdating ni Guo doon; pero sa Pilipinas ay wala tayong record ng kaniyang pag-alis.
Kasunod nito, naniniwala ang senadora na mas liliit ang buhay ng pamilya ni Guo at mas malilimitahan ito sa paggalaw.
Matatandaan, ayon sa naging manifestation ni Hontiveros, nakalabas na ng bansa si Guo nitong nakaraang buwan papuntang Malaysia.
Samantala, sa susunod na linggo na nila ipagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil dito.
Iimbitahan din ang mga abugadong nagsasabing nakita pa nila nang personal si Guo.