CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 3791 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit sa COVID-19 sa Camarines Norte
Ito ay matapos na makapagtala muli ng 12 recoveries sa ipinalabas na case bulletin report ng DOH Bicol kahapon Habang nadagdagan ng 12 ang bilang ng mga nasawi dahilan upang umakyat na sa 224 ang total death case
Samantala, sa loob ng 4 araw ay wala ng naitatalang panibagong kaso na nagbunsod upang bumaba na sa 34 ang aktibong kaso ng sakit probinsya
Dahilan ito upang manatili sa 4049 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng sakit sa Camarines Norte
