4 na centenarians sa Albay, nakatanggap ng centenarian cash gift

LEGAZPI CITY – Apat na centenarian mula sa probinsya ng Albay ang nakatanggap ng centenarian cash gift na nagkakahalagang ₱ 100,000.00 kada isa mula sa DSWD Region V.

Personal na pinuntahan Ms. Ruffa Banastao, DSWD V Centenarian focal sa mga lola at lolo na sina Socorro Salle ng Polangui; Amanda Cresencio ng Daraga; Josefa Boncacas at Isidro Cao ng Tabaco City.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa ilalim ng Republic Act No. 10868 s. of 2016, o ang Centenarians Act of 2016, ang lahat ng Pilipinong aabot ang edad sa 100 ay pagkakalooban ng pamahalaan ng Letter of Felicitation at ng halagang PhP 100,000.00.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ito ay bilang pagkilala at pagbibigay respeto sa mga senior citizens na nakaabot ng 100 years at higit pa.