CAMARINES NORTE- Hindi pa umaabot sa 70 porsiento ang mga nabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay ito sa datos ng Department of Health- Bicol as of April 18, 2022.
Sa target na 506, 737 population nasa 341, 834 pa lang o 67. 19 percent ang coverage rate.
Nasa 327, 313 naman ang fully vaccinated na.
Una nang sinabi ng Provincial Health Office na malapit na sana noong maabot ang herd immunity sa lalawigan pero dahil sa pagtaas ng target na mabakunahan ay bumaba muli ang immunization coverage.
Dahil dito nananatili sa Alert Level 2 ang probinsiya hanggang sa katapusan nitong buwan.
Ayon sa PHO kailangang maabot ang herd immunity para maibaba sa pinakamababang Alert level ang probinsiya.
Samantala, nanapatili namang mababa ang healthcare utilization rate sa lalawigan.
Noong Lunes iniulat ng DOH na sa 132 Covid beds ay 12 dito ang nagamit o katumbas ng 9. 1 percent.
Walang naitalang pagamit sa ICU beds for Covid at Mechanical Ventilator.
